Isang magnitude 7.0 na lindol ang naitala nitong umaga sa karagatang bahagi ng Sarangani, dahilan upang maglabas ng tsunami alert ang mga awtoridad para sa ilang baybaying lugar sa katimugang Pilipinas. Sa eksklusibong panayam ng Star FM Cotabato kay Engr. Rainier Amilbahar ang OIC seismic station ng CDO at CBO, ang epicenter ng lindol ay nasa layong 13 kilometro hilaga at 80 kilometro kanluran ng bayan ng Malapatan, Sarangani.
Naramdaman ang malakas na pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao kabilang ang Cotabato City, kung saan naitala ang Intensity 5. May mga paunang ulat din ng paggalaw ng tubig-dagat kaya’t pinayuhan ang mga residente sa mga baybaying lugar na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad.
Ayon kay Engr. Rainier na hindi pangkaraniwan ang ganitong mga pagyanig sa bansa dahil ang Pilipinas ay matatagpuan sa isang seismic zone na may maraming aktibong fault at trench na nagsisilbing pinagmumulan ng mga lindol.
Ang paggalaw ng mga tectonic plate sa ilalim ng mundo ang pangunahing dahilan ng pagyanig ng lupa.
Samantala, inaasahan pa ang mga posibleng aftershock kasunod ng malakas na lindol. Dahil dito, muling nanawagan si Engr. Rainier sa publiko na maging handa at sumunod sa mga itinakdang earthquake safety measures.















