Personal na nagtungo si Senador Rodante Marcoleta sa General Santos City upang kumustahin at mabigyan ng moral na suporta ang mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.

Sa kanyang pagbisita, pinuntahan ng senador ang evacuation center sa Barangay Dadiangas South kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mahigit 500 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa kalamidad.

Ayon sa ulat, bukod sa mga nasirang bahay, marami rin sa mga residente ang naapektuhan ang kabuhayan bunsod ng malakas na pagyanig.

Nakipagpulong din si Marcoleta sa mga evacuee upang personal na marinig ang kanilang mga karanasan, hinaing at mga pangangailangan habang patuloy ang mga pagsisikap ng pamahalaan at iba pang ahensya para sa kanilang pagbangon.