Inamin ng Vice Chairman for Political Affairs ng MNLF at kasalukuyang Member of Parliament na si Dr. Romeo Sema, DPA na malaki ang pinagbago ng rehiyong Mindanao sa usaping pangkapayapaan o Peace situation sa loob ng halos dalawampung taon.
Ang pagpapahayag ay kasunod ng paggunita sa ika 28 na taon ng 1996 Final Peace Agreement sa pagitan ng MNLF at ng pamahalaang nasyonal noong Setyembre 2.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin sa ginagawang pakikipag-usap ang liderato ng MNLF sa kanilang katuwang na OPAPPRU upang maisakatuparan ang mga komponenteng pang ekonomiya na nakikitang sulusyon sa pagpapaangat ng pamumuhay ng nga dating rebelde.
Kabilang din sa mga hamon na kinakaharap ngayon ay ang kahirapan ng rehiyon na tinutugunan naman ng gobyernong Bangsamoro.