Idineklarang Special Local Holiday ang Hunyo 20, 2026 sa Cotabato City bilang paggunita sa ika-67 na Araw ng Cotabato.
Ayon sa abiso ng pamahalaang lungsod, ang selebrasyon ay magsisilbing pagkilala sa kasaysayan, kultura, at mga tagumpay na naabot ng lungsod sa nakalipas na mga taon.
Hinikayat din ang mga residente na makiisa sa mga aktibidad at pagdiriwang na inihanda para sa naturang okasyon bilang bahagi ng paggunita sa mahalagang yugto ng kasaysayan ng Cotabato City.
Inaasahan namang dadagsa ang mga mamamayan at mga bisita sa iba’t ibang programa at pagtitipon na ilulunsad kaugnay ng ika-67 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.
Ang Araw ng Cotabato ay taunang ipinagdiriwang upang gunitain ang pagkakatatag ng lungsod at bigyang-pugay ang pagkakaisa, kultura, at pag-unlad ng komunidad.

















