Isang mapayapang motorcade ang isinagawa ng tinatayang mahigit 1,000 indibidwal sa iba’t ibang bahagi ng Cotabato City nitong umaga ng Huwebes, Hunyo 18.
Nagsimula ang motorcade dakong alas-7:47 ng umaga sa Diversion Road, Poblacion 9 at dumaan sa Rosary Heights 5, Sinsuat Avenue, Gutierrez Avenue, at Bangsamoro Government Center (BGC) sa Rosary Heights 7 bago muling bumalik sa Diversion Road. Nagtapos ang aktibidad dakong alas-9:15 ng umaga.
Ayon sa ulat, naging maayos at mapayapa ang kabuuang takbo ng motorcade sa ilalim ng maaraw na panahon.
Kabilang sa mga isinusulong ng mga lumahok sa aktibidad ang pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) at ang panawagang magtalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng chairperson para sa Government of the Philippines (GPH) Implementing Panel.
Wala namang naitalang anumang insidente sa isinagawang motorcade.

















