Isinapubliko ni Hadjie Abdullah Pandita Hamza o mas kilala bilang Commander “Transceiver” taga pagsalita ng Raliyesta na hindi anya maikakaila sa mamamayang Bangsamoro ang usapin hinggil sa umano’y mga pondong hindi malinaw kung saan napunta sa loob ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Commander Transceiver, umabot na sa pagsusuri ng Commission on Audit (COA) ang nasabing isyu, dahilan upang maglabas ng reaksyon ang ahensya at himukin ang pamunuan ng BARMM na magbigay-linaw sa paggamit ng mga pondong hindi pa maayos na naipapaliwanag ang kinalalagyan.
Sinabi rin ng opisyal na may mga datos at halaga nang nakakalap mula sa patuloy na imbestigasyon na isinasagawa ng mga Miyembro ng Bangsamoro Parliament. Aniya, unti-unti nang lumalabas ang mga impormasyon na makatutulong upang matukoy ang kabuuang halaga ng mga pondong pinag-uusapan.

















