Tinatarget o binabalak na ngayon ng Regional Joint Peace and Security Coordinating Committee ng Regional Police Office sa bayan ng Parang Maguindanao del Norte ang pagkumpiska ng mga di lisensyado at walang dokumentong mga baril o loose firearms sa kanilang nasasakupang lugar.
Nanguna sa pulong hinggil dito sina 6ID at JTF Central Commander Maj. Gen. Antonio Nafarrete, PNP BARMM Director PBGen. Prexy Tanggawohn at PCG District Commander Commodore Marco Antonio Gives at sumentro sa usapin ng kapayapaan at seguridad ng rehiyon ang talakayan.
Iginiit ni Nafarette na kinakailangan ang pagpapalakas ng koordinasyong pangseguridad sa mga katuwang na ahensya upang masugpo ang mga di lisensyado at walang papeles na mga baril.
Umaasa si Nafarette na sila ay makakakolekta sa rehiyon maraming baril na di lisinsyado o walang papel bago pa man mag May 2025 Elections.
Hiniling naman ni Nafarette sa publiko na nagmamay-ari ng mga di lisinsyado na baril na respetuhin naman ng mga ito ang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH, MILF at MNLF.