Nagpasa ng isang resolusyon ang kumite sa lokal na pamahalaan ng Bangsamoro Transition Authority na humihimok sa kamara de representante ng bansa na magpasa ng batas na naglalayong magtatag ng bagong lalawigan sa Bangsamoro Region na papangalanang Probinsya ng Kutawato o Kutawato Province.
Ang Kutawato Province ay bubuuin ng walong (8) bagong tatag na munisipyo na nasa ilalim ng Special Geographic Areas o SGA BARMM.
Nakasaad sa naging resolusyon ang ilan sa mga isyung naranasan ng mga mamamayan hinggil sa usaping pamamahala at representasyon ng ito ay napaloob sa Bangsamoro Autonomous Region kabilang na ang hindi pagkakaboto ng mga rehistradong botante noong 2022 elections ng kanilang kinatawan sa kamara, kapitolyo at maging Local officials dahil sa hamon ng administratibo at logistiko na dulot na rin ng kanilang katayuan.
Matatandaan na noong 2019 nang mapaloob sa BARMM ang animnaput tatlong (63) Barangays ng SGA mula sa mga bayan sa lalawigan ng North Cotabato nang manalo ito sa 2019 plebescite.
Naitatag lamang ang walong munisipyo nitong taon, buwan ng Abril. Ito ang dahilan upang awitan ng BTA ang kongreso ng bansa upang magpanukala na ng batas na magtatatag sa kanilang probinsya.
Samantala, nakatakda namang isumite sa susunod na sesyon sa plenaryo ng komitiba sa lokal na pamamahala ng BTA ang naturang resolusyon at inaasahan nila itong pakikinggan ng kamara at isasaalang-alang ang kalagayan ng mga nasa SGA sa kanilang deliberasyon.