Nagpatupad ng suspensyon ng klase ang ilang lalawigan, lungsod, at munisipalidad sa SOCCSKSARGEN at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ngayong Biyernes, July 10, bunsod ng patuloy na nararanasang masamang lagay ng panahon.
Sa Sultan Kudarat Province, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Sa North Cotabato, ipinatupad din ang suspensyon sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa mga bayan ng Banisilan, Alamada, Aleosan, Pigcawayan, Pikit, at Carmen.
Sa BARMM, suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa mga lalawigan ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.
Kasama rin sa nagpatupad ng class suspension ang mga bayan ng Pahamudin at Kadayangan sa Special Geographic Area (SGA), kung saan wala ring pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Pinapayuhan ang mga mag-aaral, magulang, at mga guro na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng kani-kanilang lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya para sa iba pang updates kaugnay ng lagay ng panahon at suspensyon ng klase.















