Nakipagpulong ang isang delegasyon ng United Nations (UN) sa pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte noong Hulyo 13.
Pinangunahan ang delegasyon ni Arnaud Peral, United Nations Resident Coordinator sa Pilipinas, na sinalubong ni MILF First Vice Chairman Mohagher Iqbal. Dumalo rin sa pulong sina MILF-AHJAG Chairman Anwar Alamada at iba pang opisyal ng MILF.
Sa isinagawang courtesy call, tinalakay ng magkabilang panig ang kasalukuyang sitwasyon sa Bangsamoro, ang mga naging pag-unlad sa pagpapatupad ng peace process, at iba pang mahahalagang usapin sa rehiyon.
Napag-usapan din sa pulong ang nalalapit na kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections, gayundin ang patuloy na pakikipagtulungan ng United Nations at ng Bangsamoro sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa kapayapaan at pangmatagalang kaunlaran sa rehiyon.

















