Sa isinagawang sesyon sa plenaryo ng mataas na kapulungan ng senado, napatanong si Senate Majority Leader Francis Tolentino sa kanyang manipestasyon kung saan na ngayon kukuha ng pondo ang lalawigan ng Sulu para sa mga proyekto nito maging mga programa lalo na at kung anong mangyayari sa lalawigan ngayong idineklara ng Korte Suprema na hindi ito bahagi ng BARMM.
Malaki ang epekto ani Tolentino ng deklarasyon ng korte sa budget ng rehiyon at magiging problema din aniya ng probinsya kung saan sila huhugot ng pondo para maipagpatuloy ang mga proyekto at programa nito.
Ayon kay Senator Tolentino, kailangan din na matulungan ang lalawigan at araling mabuti ng senado ang paglutas sa ngayon ay problema ng probinsya maging ang rehiyon sa lalong madaling panahon.