Nanawagan si Minister of Parliament Dr. Romeo K. Sema, DPA na isantabi muna ang mga katanungan hinggil sa kanyang napipintong pagtakbo. Ito ay kasunod ng ugong-ugong na tatakbo itong district representative sa lungsod ng Cotabato.
Ayon kay Sema, ang halalang parating ay naglunsad ng mga panibagong sigwa ng hamon at isa na rito ay ang inilabas na desisyon ng Supreme Court na naghihiwalay ng Sulu sa Bangsamoro Region na ikinalukungkot nito.
Sa paliwanag ni Sema, inseparable o hindi na mahihiwalay pa sa naging pakikibaka o struggle at ang collective identity bilang isang Bangsamoro.
Samantala, wala pa aniyang malinaw na direktiba ang BAPA o Bangsamoro Party hinggil sa pagtakbo nito sa lungsod bilang kauna-unahan nitong representante. Hindi pa umano pinal ang desisyon at di pa nag convene ang partido kung kaya’t nagpaalala ito sa mga taga suporta na huminahon at magabang ng desisyon ng partido.
Sa huli, pinasalamatan naman ni MP Sema ang SIAP at mga partido na naglabas ng kanilang suporta para sa kanyang napipintong kandidatura.