Idineklara na sa State of Calamity ang bayan ng Sta. Barbara sa Pangasinan matapos makaranas ng matinding pag-ulan at pagbaha dahil sa epekto ng Tropical Cyclones Maymay at Luis at pinalakas na Habagat nitong mga nakaraang araw.
Batay sa impormasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO, nasa 5,061 pamilya mula sa 15 barangay ang naapektuhan ng sama ng panahon.
Layunin ng deklarasyon na mapabilis ang pagbibigay ng relief assistance, paggamit ng disaster funds, at iba pang kinakailangang tulong para sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.
Ang deklarasyon ay nakapaloob sa Sangguniang Bayan Resolution No. 2026-245, Series of 2026, na nagdedeklara sa Municipality of Sta. Barbara, Pangasinan bilang nasa ilalim ng State of Calamity.

















