Ginunita ni Bangsamoro Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua ang ika-50 anibersaryo ng Moro Gulf earthquake at tsunami na tumama sa Mindanao noong Agosto 17, 1976.

Sa kanyang pahayag, inalala ni Macacua ang libu-libong buhay na nawala at ang matinding pinsalang iniwan ng kalamidad sa mga komunidad.

Binigyang-diin din ng Punong Ministro ang katatagan ng mga nakaligtas na piniling bumangon, muling magtayo at ipagpatuloy ang kanilang buhay matapos ang trahedya.

Sinabi ni Macacua na mananatili siyang nakatuon sa pagtataguyod ng mas ligtas, matatag at disaster-resilient na Bangsamoro bilang paggalang sa mga biktima at nakaligtas sa kalamidad.

Hinimok din niya ang patuloy na pagkakaisa sa pagbuo ng mas ligtas na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.