Walang pasok ngayong Miyerkules, Agosto 19, at bukas, Huwebes, Agosto 20, sa buong Municipality of Parang, Maguindanao del Norte bilang special non-working days.
Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-79 founding anniversary ng Parang, batay sa Proclamation No. 0005 na inilabas ni BARMM Chief Minister Abdulraof A. Macacua.
Itinatag ang Parang bilang munisipalidad noong Agosto 18, 1947 sa bisa ng Executive Order No. 82 na nilagdaan ni dating Pangulong Manuel Roxas.
Layunin ng deklarasyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makilahok sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kanilang bayan.

















