Arestado ang isang lalaki sa isinagawang anti-illegal drug operation o buy-bust sa Purok Pagkakaisa, Poblacion 2, Cotabato City kahapon Agosto 17, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Norodin,” na nahuli ng Station Drug Enforcement Team o SDET ng Police Station 3 ng Cotabato City Police Office, sa koordinasyon ng PDEA-BARMM.
Isinagawa ang operasyon bilang bahagi ng kampanya ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga.
Dinala ang suspek sa himpilan ng Police Station 3 para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasagawa ng mga naaangkop na proseso.
Patuloy namang tiniyak ng pulisya ang pagpapatupad ng mga operasyon laban sa ilegal na droga para mapanatili ang peace and order at kaligtasan ng komunidad.

















