Mas pinaigting ng Ministry of Public Order and Safety o MPOS ang pagbabantay sa katubigan ng Bangsamoro sa pamamagitan ng mas mahigpit na koordinasyon ng mga law enforcement agencies.

Isinagawa noong Agosto 11 hanggang 12, 2026 sa Cotabato City ang technical assistance at orientation bilang paghahanda sa joint maritime exercise.

Tinalakay sa aktibidad ang kani-kanilang kakayahan at tungkulin ng mga ahensya, gayundin ang mga paraan upang mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan sa maritime security.

Ayon kay MPOS Home Affairs Services Director II Ferdhaussee S. Ali, mahalaga ang ugnayan ng MPOS sa pulisya, Coast Guard, Marines, PDEA at iba pang law enforcement agencies para sa public order at safety sa BARMM.

Kabilang sa mga lumahok ang Philippine Army, PRO BAR, Philippine Coast Guard, PDEA-BARMM, Regional Maritime Unit, 1st Marine Brigade, MAFAR at Bureau of Customs.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang inter-agency coordination at operational readiness tungo sa mas mapayapa, maayos at ligtas na Bangsamoro.