Labis na nalulungkot at nangangamba ang liderato ng Moro National Liberation Front o MNLF na muling mahalungkat ang sugat ng nakaraan na unti-unti nang naghihilom matapos na maglabas ng desisyon ang kataas taasang hukuman sa tuluyang paghihiwalay sa lalawigan ng Sulu sa BARMM region.
Sa panayam kay MNLF Chairman at MOLE Minister Muslimen Sema, marami aniyang buhay ang nasakripisyo upang magkaroon lamang ng right to self determination ang mga Moro sa Mindanao.
Hindi aniya maitatatwa na isa ang Sulu sa mga nagpasimuno ng himagsikang Moro para makamit ngayon ang kapayapaan sa rehiyon. Sa huli, umapela si Bapa Mus sa pangulong Bongbong Marcos na sana ay maayos at matignan ang problemang ito na kumukulapol sa lalawigan ng Sulu maging ng buong Bangsamoro Region.