Nagsagawa ng Inter-Religious Prayer for Peace and Unity ang Cotabato City Police Office o CCPO bilang bahagi ng paghahanda para sa Bangsamoro Parliamentary Elections o BPE 2026.
Isinagawa ang aktibidad nitong Agosto 24, 2026 sa CCPO Ground, PC Hill, Barangay Rosary Heights 1, Cotabato City.
Pinangunahan ito ni Police Colonel Jibin M. Bongcayao, City Director ng CCPO, kasama ang mga lider ng iba’t ibang relihiyon, security sectors at mga miyembro ng PSFTP Class 2025-01 o Class “Buklod Sinag.”
Naging panauhing pandangal at tagapagsalita si Atty. Muamar A. Guyo, Acting City Election Officer ng COMELEC-BARMM.
Nagpaabot din ng mensahe ng suporta ang mga kinatawan mula sa Philippine Army, mga religious sector at iba pang faith-based organizations.
Bago matapos ang programa, sabay-sabay na umawit ng Song of Unity ang mga kinatawan ng religious sectors, government agencies at security forces habang magkakahawak-kamay bilang simbolo ng pagkakaisa at suporta sa ligtas, mapayapa at maayos na Bangsamoro Parliamentary Elections 2026.















