Tila naglabas ng sama ng loob at hinanakit si Former Tesda Director General at Al-Ittihad UKB President Teng Mangudadatu matapos na ibulgar nitong ilang beses syang umakyat at nais na makipagusap sa mga lideres ng MILF sa Bangsamoro Government Center at upang ipahayag ng buo ang kanilang suporta sa kanilang liderato ngunit iniisnab daw sila nito.
Isinagawa ni Mangudadatu ang pagbubunyag sa isinagawang Grand Kanduli for Peace and Unity sa bayan ng Datu Odin Sinsuat. Ayon sa dating Tesda Secretary, 2020 pa lang ng silang mag-asawa na si Gov. Bai Mariam Mangudadatu ay nagkusang umakyat sa tanggapan ni BARMM CM Ahod Ebrahim at ni Gov. Sammy Gambar Macacua upang ihayag ang buong suporta dito at pangakong hindi gagawa ng anumang labag sa liderato ng MILF.
Niyaya pa umano ni Mangudadatu ang mga lideres na sumumpa sa Quran ng pagkakaisa at tulungan at hanggang sa nasundan pa ito ng maraming pag-akyat ngunit hindi sila umano pinakikiharapan at tinatanggap.
Mabigat aniya sa pakiramdam at loob ni Mangudadatu dahil aniya, di nila alam ang problema at bakit di sila welcome sa mga lideres ng rehiyon. Naniniwala naman si Mangudadatu na di pa naman huli ang lahat sa pagkakaisa at para mabigyan ng tiyansa na magtulungan kasama ang mga Lider ng rehiyon.
Ani Mangudadatu, misunderstandings o di lamang pagkakaunawaan ang nangyayari sa bawat panig.