Isasagawa ng Cotabato Light and Power Company ang sampung oras na scheduled power interruption sa ilang bahagi ng Cotabato City sa Setyembre 6, 2026, araw ng Linggo.

Ayon sa abiso ng kumpanya, mawawalan ng suplay ng kuryente mula alas-6 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon ang mga lugar ng Bagua 2, Bagua 1, Bagua MB, Poblacion 6 at mga kalapit na lugar.

Ipinaliwanag ng Cotabato Light na bahagi ito ng pag-upgrade sa mga pangunahing distribution lines upang mapabuti at mapanatili ang mas matatag at maaasahang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Hinimok naman ng kumpanya ang publiko na mag-ingat, lalo na sa mga lugar kung saan isasagawa ang pagkukumpuni at maintenance ng mga linya.

Pinayuhan din ang mga residente na sundin ang mga warning signs at umiwas sa mga lugar kung saan gumagamit ng heavy equipment ang mga personnel habang isinasagawa ang mga kinakailangang trabaho.