Nilinaw ng tanggapan ni Bangsamoro Parliament Member Tawakal B. Midtimbang na ligtas ang mga sakay at driver ng isang Toyota Hilux na kabilang sa kanyang convoy matapos masangkot sa aksidente sa Barangay Ala, Esperanza, Sultan Kudarat, kahapon Agosto 26, 2026.

Ayon sa pahayag ng tanggapan ni Midtimbang, nagtamo ng mga pinsala ang mga sakay at driver ng sasakyan at agad namang nabigyan ng kinakailangang atensyong medikal.

Sa kabila ng insidente, sinabi ng tanggapan na ligtas ang lahat ng sangkot at patuloy na nagpapagaling.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang tanggapan ni Midtimbang sa mga taong nagbigay ng panalangin, mensahe, tulong at suporta sa mga biktima at kanilang pamilya.

Hiniling din ng tanggapan ang patuloy na panalangin para sa mabilis at ganap na paggaling ng mga nasangkot sa aksidente.