Handang-handa ang Philippine National Police sa pagtiyak ng seguridad para sa 2026 Bangsamoro Parliamentary Elections o BPE, kasunod ng isinagawang COMELEC Final Command Conference sa Maguindanao del Norte.

Pinangunahan ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang delegasyon ng PNP sa conference na ginanap kahapon Agosto 26 sa PRO BAR Headquarters, Camp Brigadier General Salipada K. Pendatun.

Dumalo rin sina AFP Chief of Staff General Antonio G. Nafarrete, DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla, OPAPRU Secretary Mel S. Sarmiento, at COMELEC Chairman George Erwin M. Garcia.

Tinalakay sa pagpupulong ang threat assessment, deployment readiness at koordinasyon ng mga ahensya para matiyak ang mapayapa, maayos at kredibleng pagsasagawa ng halalan.

Layunin ng PNP na maprotektahan ang karapatan ng mga Bangsamoro na malayang at mapayapang makilahok sa makasaysayang halalan.