Arestado ng mga awtoridad ang isang 22-anyos na wanted person sa isinagawang manhunt operation sa Midsayap, Cotabato.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Roland,” isang WiFi installer at residente ng Purok 7, Barangay Central Bulanan.
Dinakip siya ng Tracker Team ng Midsayap Municipal Police Station, katuwang ang Police Intelligence Unit ng Cotabato Police Provincial Office at North Cotabato Provincial Highway Team, dakong alas-10:20 ng umaga kahapon, Agosto 27.
Isinagawa ang operasyon batay sa Warrant of Arrest laban sa suspek dahil sa kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang proseso ng batas.

















