Pinagtibay ng PNP at AFP ang kanilang contingency plan para matiyak ang ligtas, mapayapa at maayos na 2026 BARMM Parliamentary Elections.
Isinagawa ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office o MDSPPO kahapon, Agosto 28 ang Contingency Planning Session, kasama ang mga opisyal ng 601st, 602nd at 603rd Infantry Brigades at 1st Mechanized Brigade.
Tinalakay sa pagpupulong ang deployment ng mga tauhan at kagamitan, logistics readiness, threat assessment, at mga protocol para sa mabilis na pagtugon sa posibleng insidente.
Binigyang-diin ng AFP ang buong suporta nito sa PNP para mapanatili ang seguridad ng mga botante at polling areas.
Ayon kay MDSPPO Provincial Director PCOL Michael John Mangahis, mahalagang maging matagumpay ang halalan upang maitatag ang lehitimo at malayang pamahalaang Bangsamoro.
Hinimok naman ang mga awtoridad na ipagpatuloy ang pagtutulungan upang mapangalagaan ang karapatan ng bawat Bangsamoro na makaboto nang malaya at ligtas.

















