Isinagawa ngayong araw, Lunes, Agosto 31, sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, ang Signing of Guidelines for Mutual Understanding sa pagitan ng Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities o CCCH at Ad Hoc Joint Action Group o AHJAG ng Government of the Philippines at Moro Islamic Liberation Front o GPH-MILF.

Layunin ng guidelines na palakasin ang pagkakaunawaan at koordinasyon ng dalawang panig sa pagpapatupad ng kanilang ceasefire-related functions, partikular ngayong nakatakda ang unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sa naging pambungad na mensahe ni Major General Patricio Ruben P. Amata ang Chairman, GPH CCCH, hindi lamang isang ordinaryong political exercise ang nalalapit na halalan, kundi isang mahalagang milestone para sa BARMM sa pagsusulong ng demokratikong pamamahala at pagbibigay-daan sa mga Bangsamoro na malayang makapili ng kanilang mga lider.

Binigyang-diin din na mahalagang bahagi ng peace mechanism ang CCCH at AHJAG, na nagsisilbing common framework sa pagpapatupad ng mga tungkuling may kaugnayan sa ceasefire.

Layunin ng hakbang na ito na maprotektahan ang mga gains ng peace process at matiyak na ang bawat Bangsamoro ay makapipili ng kandidatong nais niyang suportahan nang malaya at walang takot sa nalalapit na BPE 2026.