Isinagawa ngayon dito sa Tamontaka Mother, Cotabato City ang UBJP Barangay Pulong-Pulong bilang bahagi ng pakikipag-ugnayan sa mga residente ng District 3.
Layunin ng aktibidad na mapakinggan ang mga concerns, suhestiyon, pangangailangan at pangarap ng mga Ka-Barangay bilang paghahanda sa mga isyung dapat bigyang-pansin sa komunidad.
Ito na ang kanilang ikawalong Barangay Pulong-Pulong, kung saan direktang kinakausap ang mga residente upang malaman ang kanilang mga mungkahi at pangunahing problema.
Samantala nanawagan naman ang partido sa publiko na huwag matakot at makilahok sa nalalapit na halalan.
Hinimok ang mga botante na gamitin ang kanilang karapatan sa pagboto at makiisa sa demokratikong proseso upang maipahayag ang kanilang mga saloobin at hangarin para sa komunidad.

















