Iginiit ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP na hindi sila gagawa ng pandaraya sa darating na halalan.

Ayon kay MILF Vice Chairman at UBJP Vice President MP Mohagher Iqbal, sa halip na mandaya, maghahanap sila ng paraan upang makamit ang kanilang panalo sa pamamagitan ng maayos na paghahanda.

Kabilang dito ang pagpapaigting ng kanilang paghahanda, lalo na sa pagbabantay sa mga balota at pagtalaga ng mga watchers sa mga polling precinct.

Tiniyak ni MP Iqbal na nakatuon ang kanilang kampanya sa pagprotekta sa boto at pagtiyak na maayos ang proseso ng halalan.