Itinalaga ni Bangsamoro Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua si Atty. Abubakar A. Katambak bilang Acting Deputy Minister ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE.
Batay sa OCM Special Order No. 0529, Series of 2026, agad na epektibo ang pagtatalaga kay Katambak bilang Acting Deputy Minister, habang patuloy niyang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang Executive Assistant V.
Inaatasan si Katambak na gampanan ang lahat ng tungkulin at responsibilidad na kaakibat ng nasabing posisyon, bukod sa kanyang kasalukuyang mga gawain bilang Executive Assistant V.
May bisa sa loob ng isang taon ang designation mula sa petsa ng paglagda, maliban kung mas maagang bawiin o mapalitan ng bagong appointment.
Nilagdaan ni Chief Minister Macacua ang kautusan noong Setyembre 1, 2026.

















