Idinaos ng Moro Islamic Liberation Front-Bangsamoro Islamic Armed Forces o MILF-BIAF ang kanilang General Assembly kahapon, Setyembre 3, 2026 sa The Academy, Camp Darapanan sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Tinatayang 158,815 na miyembro at tagasuporta ng organisasyon ang dumalo sa pagtitipon para sa konsultasyon at pagtalakay sa mga usaping may kaugnayan sa MILF at sa proseso ng Bangsamoro.
Kabilang sa agenda ang MILF-BIAF Consultation and Declaration of Termination kaugnay ng ilang suspendidong opisyal ng organisasyon.
Naging emosyonal ang bahagi ng pagtitipon nang mapaluha ang Ameerul Mujahideen habang isinasagawa ang programa.
Samantala, binigyang-diin sa mensahe ni Prof. Manticayan ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagpapatuloy ng proseso ng kapayapaan sa Bangsamoro.
Ang General Assembly ay bahagi ng mga isinasagawang konsultasyon ng MILF-BIAF kaugnay ng mga usapin sa loob ng kanilang organisasyon.

















