Ipinakita at ipinaliwanag ng mga nominado ng 4 Bangsamoro Federalist Party o 4BFP ang kanilang mga pangunahing programa at paninindigan sa campaign rally sa Turtle Island Municipality, Tawi-Tawi kahapon, Setyembre 6.

Pinangunahan ng mga lokal na opisyal ang pagsuporta sa aktibidad, kabilang sina Mayor Jay Sayang L. Jamalul at Vice Mayor Mohammad Faizal Jamalul, kasama ang mga konsehal at mga opisyal ng barangay.

Binigyang-diin ng mga nominado ang kanilang mga programang nakatuon sa pagpapaunlad ng kabuhayan at kapakanan ng mga Bangsamoro.

Nanawagan naman ang partido ng pagkakaisa at suporta sa kanilang mga kandidato para sa nalalapit na halalan.