Hindi ihihinto ng Ministry of Health ng Bangsamoro Government ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan na deemed needed and vital sa lalawigan ng Sulu kahit na naglabas na ng desisyon ang korte suprema na ihiwalay ang lalawigan sa Bangsamoro Region.
Ayon kay Ministry of Health Dr. Jojo Sinolinding na alinsunod sa marching order ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim, tuloy tuloy pa rin ang pagbibigay ng serbisyong may kinalaman sa kalusugan na importante sa lalawigan na nabanggit.
Ayon kay Sinolinding na habang wala pang binababang kautusan o pagpapaganap ang National Government ay magpapatuloy sila sa serbisyong medikal sa mga taga Sulu.