Naka-Yellow Alert ang Mindanao Grid ngayong Setyembre 9, 2026, matapos bumaba ang operating margin ng power system sa rehiyon.

Batay sa update alas-8 ng umaga, inaasahang magkakaroon ng Yellow Alert mula ala-1 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Nasa 2,731 megawatts ang available capacity habang umaabot sa 2,600 megawatts ang peak demand.

Ayon sa advisory, may 13 power plants na kasalukuyang nasa forced outage, habang anim na iba pa ang tumatakbo sa reduced o derated capacity.

Dahil dito, nasa kabuuang 769.7 megawatts ang hindi available sa Mindanao Grid.

Kabilang sa mga dahilan ng Yellow Alert ang hindi availability ng malalaking coal plants na GNPK 2 at GNPK 3.

Ipinaliwanag na ang Yellow Alert ay idinedeklara kapag hindi sapat ang operating margin upang matugunan ang kinakailangang reserve para sa mga posibleng aberya sa transmission grid.