Mixed emotions o magkahalong emosyon ang naramdaman ni MP at BARMM Health Minister Dr. Jojo Sinolinding Jr. kaugnay sa naging desisyon ng Korte Suprema na ihiwalay ang lalawigan ng Sulu sa BARMM Region.
Ayon sa doktor na ministro, masaya siya aniya dahil naipagtibay ang pagiging konstitutiyonal ng BOL o Bangsamoro Organic Law ngunit malaki ang implikasyon nito sa pagbibigay serbisyo sa mga taga Sulu lalo na sa sektor ng kalusugang pangkalahatan.
Sa kabila naman ng kalungkutan ni Dr. Sinolinding, tiniyak naman nito na di ito makakaapekto sa pagbibigay serbisyo at ginagarantiyahan din nito na di apektado ng nasabing ekslusyon ang mga empleyado ng MOH alinsunod sa kautusan ni BARMM CM Ahod Balawag Ebrahim.