Nanatiling mapayapa at maayos ang pagsasagawa ng 1st Bangsamoro Parliamentary Election sa mga lugar na sakop ng 601st Infantry (Unifier) Brigade sa Maguindanao del Sur.

Ayon sa 601st IB, naging katuwang nito ang COMELEC, PNP, mga lokal na pamahalaan at iba pang election stakeholders sa pagpapatupad ng mga security measures bago at habang isinasagawa ang halalan.

Nanatili ring nakaalerto ang mga sundalo ng Brigade upang agad na makatugon sa anumang insidenteng maaaring makaapekto sa seguridad at kaayusan ng halalan.