Nitong nakaraang linggo, ginimbal ang sambayanan ng balitang may taglay na kanser o sarcoma ang tinaguriang Doktor ng Bayan na si Dr. Willie Ong.
Sa kanyang vlog, ibinahagi nito ang nararamdamang bigat ng pakiramdam sa naturang sakit.
Ayon kay Dr. Ong, sadyang ginawa nya na ivlog ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na Sarcoma upang maipahayag nito ang pagmamahal sa kanyang mga tagahanga at tagatangkilik na ayaw niyang lokohin.
Aniya, wala syang alam na dahilan kung bakit sya nagkasakit at sinabi rin nito na nakuha nya sigurado ang sakit sa stress dulot ng bashing, kumento at iba pa.
Dumaraan na din sa chemotherapy ang nasabing doktor para sa kanyang sakit at humingi rin ito ng dasal sa publiko.
Si Dr. Ong ay kilalang cardiologist at kabiyak ni Dra. Lisa Ong ay tumakbo noong 2019 bilang senador at 2022 bilang bise-presidente ni Former Manila City Mayor Isko Moreno.