Maaring ibakante muna ang pitong District Parliamentary seats sa Bangsamoro Parliament sakaling di makapagpasa ng batas ang kamara na may kaugnayan sa deklarasyon ng korte suprema na nagbubukod ng Sulu sa BARMM.
Ito ang sinabi sa naging panayam kay COMELEC BARMM Regional Director Atty. Ray Sumalipao. Ayon kay Sumalipao, sinabi nito na kailangang makaakda agad ng batas ang Bangsamoro Transition Authority na sya namang ihahain sa kongreso upang maamyiendahan ang bilang ng distrito at mapunan ang pitong distritong nawala matapos na magdesisyon ang kataas-taasang hukuman na burado na ang Sulu sa teritoryo ng BARMM.
Ngunit aminado naman ang pinuno ng komisyon sa rehiyon na kapos na sa oras at maaring hindi na ito abutin pa dahil ang araw para sa pagsusumite ng Certificates of Candidacy para sa mga nominado sa Parliament Districts ay nalalapit na sa buwan ng Nobyembre.
Dahil dito, nagbunsod si Sumalipao sa suhestiyon na kung maari ay ibakante na lamang muna ang pitong silya na nakalaan para sa parliamentary districts at hintayin na lamang na mapunan ito ng kongreso o ng mismong pangulo ng bansa.
Labing-anim (16) di umano na mga grupo pulitikal ang apektado ng deklarasyon dahil marami aniya sa mga miyembro nito ay mula sa lalawigan ng Sulu. Binigyan din aniya ito ng panahon na makapagcomply sa mga reglamentos na may kaugnayan sa bilang ng mga miyembro upang makapagpartisipa sa susunod na 2025 Parliamentary Elections.