Nagpasaring sa pamamagitan ng isang vlog ang health advocate na si Dr. Willie Ong kaugnay sa mga kurakot na pulitiko na siyang nagpapahirap sa mga Pilipino.
Ayon sa doktor, iniisip nito na ang lahat ng kanyang sakit, pighati at emosyon ay dulot ng bashing na nakuha nito noong kumandidato ito sa pagka pangalawang pangulo noong 2022.
Naglabas din ng hinanakit ang doktor at nagtanong kung may nagawa ba itong mali sa kanyang pagtakbo bilang VP noong 2022 na ayon dito ay sumisimbolo ng kanyang pagmamahal sa bayan at sa Pilipino.
Nahihiya aniya ito dahil mayroon syang pangtustos at mga suporta na nakukuha ngunit ang kanyang mga kababayan ay mahihirap at walang panggamot sa ospital.
Dahil dito, nagpasaring ang doktor sabay sabing marami ang namamatay sa sakit dahil sa kurapsyon ng mga pulitiko sabay paghingi nito ng paumanhin.
Si Ong ay tumakbo noong 2019 bilang senador at noong 2022 bilang pangalawang pangulo ng noon ay presidentiable na si former Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.