Aabot sa isanlibong katao ang nakabenepisyo sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP at Handog ng Pangulo Serbisyong Sapat para sa Lahat sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao Norte.

Naging matagumpay ang naturang payout sa pangunguna ni MagNorte with Cotabato City Rep. Bai Dimple Mastura bilang handog ni PBBM sa kanyang kaarawan. Katuwang naman ni Mastura ang DSWD Region 12.

Tumanggap ng 5,000 ang mga benepisyaryo mula sa ibat ibang lugar ng probinsya at siyudad.