Naranasan ang magnitude 4.9 na lindol sa bahagi ng Sultan Kudarat at ilang lugar sa Mindanao dakong alas-1:34 ng hapon ngayong araw ng Huwebes Oktubre 1, 2026.

Ayon sa PHIVOLCS, natukoy ang epicenter ng lindol 47 kilometro timog kanluran ng Palimbang, Sultan Kudarat at may lalim itong 10 kilometro.

Naitala ang Intensity II sa Cotabato City, habang instrumental intensity III naman sa Norala, South Cotabato.

Naitala rin ang instrumental intensity II sa Kiamba, South Cotabato, T’Boli, Santo Niño at Surallah sa South Cotabato, gayundin sa Esperanza, Kalamansig, Bagumbayan at Palimbang sa Sultan Kudarat, Sindangan sa Zamboanga del Norte at Zamboanga City.

Samantala, instrumental intensity I ang naitala sa Maitum at Malungon sa Sarangani, Banga at General Santos City, Lake Sebu at Koronadal City sa South Cotabato, gayundin sa Lebak, Isulan at President Quirino sa Sultan Kudarat.

Patuloy namang pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumangguni sa mga opisyal na abiso ng PHIVOLCS para sa mga susunod na impormasyon.