Labis ang panghihinayang ng mga netizens matapos ibahagi ni Neim Hems sa Surallah Buy And Sell ang mga di na mapapakinabangang palay dahil tumubo na ito sa sako na pinaglagyan.
May mga ibang netizens na nalungkot sapagkat sa sobrang mahal ng bigas ay napabayaan ang palay habang ang iba naman ay nagbigay opinyon at nagsabing ilang magsasaka na ang pinanghinaan ng kalooban dahil sa mababang presyo ng palay sa pamilihan.
Sa ngayon, nananawagan na sila sa Department of Agriculture na wag sanang maulit ang mga ganitong sitwasyon na nasasayang ang pinaghihirapan ng mga bayani nating mga magsasaka.