Nagpahayag ng ilang punto si Minister Of Parliament at BARMM Minister Atty. Sha Elijah Alba hinggil sa naging desisyon ng Korte Suprema sa paghihiwalay nito sa Sulu sa BARMM.
Malawak na epekto ang ginawa di umano ng desisyon ayon sa babaeng Ministro. Ayon sa kanya, nakikita nito ang tinatawag na problemang ligal at pagsubok nito sapagkat kung ipipilit aniya na maging 73 ang bilang ng miyembro ng Parliamento, ito ay magiging taliwas naman sa probisyon ng BOL o ang Bqngsamoro Organic Law.
Malinaw aniya na ang parliamento ang may kapangyarihan na mag aporsyon o mag re-apportion ng mga upuan para sa representasyong pang distrito.
Dagdag pa ng naturang ministro na hindi rin dapat ipag-alala ang umano’y posibleng opt-out ng ibang lalawigan o bayan na sakop ng BARMM sapagkat malinaw aniya na walang probisyong nakasaad sa BOL na maaring mag opt-out ang isang lalawigan o bayan na sakop nito.
Hamon naman para sa kanila ang natitirang panahon upang makabuo ng panibagong redistricting sapagkat kinakailangan na dumaan pa aniya ito sa kunsultasyon. Kaya ayon kay MP Alba, umaasa sya na magkakaroon ng realisasyon ang National Government at tumulong sa pagbibigay solusyon sa nasabing issue.