Pinalalakas ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG-BARMM) at Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) ang operasyon ng pulisya matapos lagdaan ang memorandum of agreement o MOA at i-turn over ang apat na patrol car kahapon Oktubre 14, sa Bangsamoro Government Center.
Ipinagkaloob ang mga sasakyan sa mga municipal police station ng Parang, Matanog, Buldon at Barira sa Maguindanao del Norte upang mapabilis ang pagtugon sa mga emergency, mapalakas ang police visibility at mapigilan ang mga krimen.
Ayon sa MILG-BARMM, layunin ng programa na mapahusay ang kakayahan ng mga law enforcement agency na tumugon sa mga insidente at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.
Nilinaw rin sa kasunduan na eksklusibong gagamitin ang mga patrol car para sa crime prevention, law enforcement at iba pang opisyal na tungkulin ng PRO-BAR.

















