Dinakip ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region o PRO-BAR ang isang Top 6 Regional Most Wanted Person sa operasyon sa Barangay Limpongo, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur, kahapon Oktubre 15, 2026.
Kinilala ang suspek na si alyas Hamin, nasa hustong gulang at residente ng Rosary Heights 10, Cotabato City.
Isinagawa ang operasyon ng tracker team ng Police Station 3 ng Cotabato City Police Office, katuwang ang iba pang police units, batay sa mga warrant of arrest para sa kasong murder at robbery.
Inilabas ang mga warrant noong Disyembre 17, 2025, ng Regional Trial Court Branch 13 sa Cotabato City.
Walang inirekomendang piyansa para sa kasong murder, habang P100,000 naman ang inirekomendang piyansa para sa kasong robbery.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 3 ang suspek at sasailalim sa pisikal na pagsusuri.

















