Tuloy-tuloy ang clearing operations ng City Transportation and Traffic Management Center (CTTMC) sa mga lansangan sa Cotabato City upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at mapabuti ang daloy ng trapiko.

Ayon sa CTTMC, sa ilalim ng pamumuno ni Chief Moin Nul, isinagawa ang operasyon noong Oktubre 15, 2026, bilang bahagi ng mga hakbang upang alisin ang mga sagabal sa mga kalsada.

Hinimok din ng tanggapan ang publiko na pairalin ang disiplina at iwasang humarang sa mga lansangan upang maging maayos at maginhawa ang biyahe ng mga motorista.