Nagpatupad ng panibagong pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula kaninang alas-sais ng umaga.
Bumaba ng P4.30 kada litro ang gasolina, habang P1.00 kada litro naman ang ibinawas sa presyo ng kerosene.
Sa kabilang banda, nagmahal ng P2.60 kada litro ang diesel.
Ayon kay Department of Energy Director Rino Abad, dulot ng mataas na gastos sa freight at insurance ang pagtaas ng presyo ng diesel.
Nilinaw din ng opisyal na hindi kinakailangang mag-angkat ng diesel o liquefied petroleum gas ang pamahalaan.

















