Tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng wheel clamping system laban sa mga ilegal na nakaparadang sasakyan at double parking, kasabay ng pagsita sa mga ilegal na vendor sa Cotabato City nitong Martes, Oktubre 20.

Ayon sa inilabas na pahayag ni Moin Nul ang Chief ng CTTMC, matagal nang ipinagbabawal ang pagtitinda sa mga lugar na nakahahadlang sa daloy ng trapiko at nagdudulot ng panganib sa mga motorista at iba pang gumagamit ng kalsada.

Katuwang sa operasyon ang mga pulis at ang Public Safety Office upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga lansangan ng lungsod.

Nanawagan naman ang mga awtoridad sa mga residente at motorista na sumunod sa mga umiiral na patakaran at pairalin ang disiplina para sa maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng publiko.