Nakapagtala ang Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ng 322 kaso ng pneumonia noong Setyembre 2026, dahilan upang manguna ito sa sampung pangunahing sanhi ng pagkakaospital sa naturang ospital.
Sumunod ang malignant neoplasm o cancer na may 122 kaso at mga aksidente sa kalsada na may 107 kaso.
Naitala rin ang 68 kaso ng respiratory distress sa mga bagong silang na sanggol, 56 na kaso ng cerebral infarction, at 52 kaso ng diarrhea at gastroenteritis na pinaniniwalaang dulot ng impeksiyon.
Kabilang din sa talaan ang 45 kaso ng gunshot injuries, 41 kaso ng mga sakit na may kaugnayan sa altapresyon, 39 kaso ng intracranial hemorrhage, at 36 kaso ng diabetes mellitus.
Batay ito sa buwanang ulat ng Health Information Management Department ng CRMC para sa Setyembre 2026.

















