Iniulat ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) na pneumonia ang nanguna sa mga sanhi ng pagkamatay noong Setyembre 2026, na may 22 kaso o 11.40 porsiyento ng kabuuang pagkamatay sa ospital.
Sumunod ang malignant neoplasm o cancer na may 20 kaso o 10.36 porsiyento, at hypertensive diseases na may 19 kaso o 9.84 porsiyento.
Samantala, 16 na pagkamatay ang iniugnay sa mga insidente sa kalsada, 13 sa diabetes mellitus, siyam sa ischemic heart diseases, at pito sa respiratory distress ng mga bagong silang na sanggol.
Kabilang din sa sampung pangunahing sanhi ng pagkamatay ang mga karamdamang may kaugnayan sa tagal ng pagbubuntis at paglaki ng sanggol sa sinapupunan na may anim na kaso, mga sakit sa genitourinary system na may limang kaso, at gunshot na may limang kaso rin.
Batay sa Health Information Management Department ng CRMC, tinutukoy ang mga pangunahing sanhi ng pagkamatay batay sa pinagbabatayang sanhi ng kamatayan at alinsunod sa International Classification of Diseases, 10th Revision o ICD-10.

















