Tiniyak ni United Bangsamoro Justice Party (UBJP) Acting Secretary-General at tagapagsalita na si Engr. Mohajirin Ali na ipagpapatuloy ng kanilang partido ang pagsusulong ng pagkakaisa at mga nasimulang programa sakaling hindi mula sa UBJP ang mapiling susunod na Chief Minister ng Bangsamoro.
Bilang tugon sa tanong kung ano ang susunod na hakbang ng UBJP sa ganitong sitwasyon, sinabi ni Ali na ipagpapatuloy nila ang mga nasimulan sa ilalim ng pamumuno ni Chairman Murad Ebrahim at ang pakikipagdayalogo sa iba’t ibang grupo at partido.
Binigyang-diin din niya na kabilang sa mga pangunahing adyenda ng kanilang partido ang pagkakaisa ng mga Bangsamoro at pagpapatuloy ng mga programang isinusulong nila sa pamamahala mula pa noong 2019.

















